Sina Renz, Jessa at Rey Valera

March 13th, 2010

Natuloy din po pala akong manood ng konserto nilang tatlo. Kahiya, kasi di ko naman alam na tatlo pala sila at ang mas nakakahiya ay hindi ko kilala sina Renz at lalo na si Jessa. Sabi ng mga nagyaya sa akin ay sikat sina Jessa at Renz. Sabi ko naman ano-ano ba ang mga kanta nilang sumikat? Basta marami daw. “Ahem, nane one please..” Sagot nila ay “too many to mention..” este, slumbook yata ito.

Eniwey, sumama na rin ako. Lam mo na, pagbibigay suporta sa mga kasamahan sa industriya, hehehe.

Sabi sa imbitasyon nila ay magsisimula daw ng alas otso ng gabi ang pagkanta ng mga singer na dumayo pa galing Maynila papunta dito sa Alemanya. Kaya naisip namin ng mga kasamahan ko na alis kami ng bandang 5:30 ng hapon para on time kami. Ayun, sa awa ng Diyos, naka ilang kilometro palang ang tinakbo namin sa haywey, nagsimula nang bumagal ang daloy ng trapiko. Sa madaling salita, nakarating kami ng kinse minutos lagpas alas otso ng gabi sa Köln/Bonn kung saan ang venue. Nasa entablado na si Renz nung nakapasok kami sa Auditorium. Medyo halos dalawang oras din siyang nag trabaho sa entablado. Mahirap kayang mangharana at magpatawa lalo na kung may mga European audience ka. Aba, iba ang sense of humor ng Pinoy. Mahirap ipaliwanag o i translate sa ingles ang jokes natin. Kaya, ayun, pinag pawisan siya ng husto. In fairness, napasaya niya naman ang mga Pinoy. Lalo na yung medyo may edad na. Siguro kapanahunan nila. In fairness, naka survive naman ako sa  ordeal.

Nung natapos na ang time niya or should I say, handa nang lumabas sa entablado si Jessa, siguro nakahinga na siya ng maluwang. Hahaha, wawa naman si Renz. Ang tagal kasing natapos mag handa ni Jessa kaya medyo napahaba tuloy ang trabaho ni Renz.

Unfortunately, at opinyon ko lang din po ito, hindi worth it ang pag hihintay ng madla kay Jessa. Nagpaka prima Donna siya pero hindi naman sulit ang performance niya. Kinanta niya ang ilang kanta galing sa album niya. Tapos mga Shirley Basey classics na ang kinanta niya. Ang malalala nito, pagkatapos ng concert ay nag bigay ang organizer ng ilang minutos para maka pag pa picture ang mga kababayan natin sa entablado kasama sana ang mga artista. Lumabas naman po sina Kuya Rey at Tito Renz, pero si Jessa ang hindi na nagpakita. Ahem, napagod na ba siya kaya? O talagang nagpaka D_I_V_A lang ba talaga??? Hay nako, in fairness, maganda ang gown niya, heheh. Yun lang po ang masasabi ko, bow!”

Mabuti nalang at kasama nila si Ginoong Rey Valera.  ang walang kamatayang mga klassik songs niya ang nagdala sa akin ng saya nung gabing yun.

Medisina at si Jessa

February 25th, 2010

Pagpasok pa lang ng taon na ito, tinanim ko na sa isip ko na on time kong gagawin ang mga bagay-bagay na nakakalimutan kong asikasuhin. Una na dito ang mga ngipin kong minsan lang sa dalawa o tatlong taon nasisilip ng aking dentista. O di naman kaya ay ang regular na check up ng Gynecologist ko sa akin. Ang nakakaasar lang kasi dito, may medical insurance ka nga pero ang hirap namang makakuha ng appointment sa doktor. Kung wala kang sakit na nararamdaman at feel mo lang magpa check up ay mag hihintay ka ng 3 hanggang apat na linggo bago ka maka punta sa kanila. At kung may nararamdaman ka namang sakit ay mag hihintay ka ng talong oras sa waiting room nila. Eniwey, eto, nung nasimulan kong dumalaw sa dentista nung isang linggo, ay naka tatlong balik na ako. Dalawang minor na tapal at isang malaking problema. Yung isa ko kasing ngipin na pinastahan ung dentista ko sa Pilipinas pa ay nabiyak sa gilid. In fairness, naka kabit pa naman ang pasta, pero ang ngipin mismo ang unti-unting naga gabok. Ayaw naman bunutin ng dentista ko ngayon ang ngipin at ang sabi niya ay sasalbahin pa nga daw namin. Translation, regular na dalaw sa kanya at ibig sabihin, bayaran. Ahem, mabuti nalang at may magandang dental coverage sa medical insurance ko. Kahit papaano, hindi na rin masyadong mabigat. Pero kung iko convert ko sa peso ay sakit ko damdam pa rin ang labas ng kalkulasyon nito. Medyo mataas kasi ang binabayaran ko sa monthly allocation ko para sa med insurance ko. Kaya nga dapat sana ay madalas kong ginagamit, right? Oo, alam ko yan din ang iniiip niyo.

Tapos, sa simula pa lang ng taon ay sinabi ko din sa sarili ko na kailangan ko nang bumalik sa OB ko, kasi medyo lagpas anim na buwan na rin ang nakaraan nung huli kong dalaw sa espesiyalista ko. Tsaka, may nararamadam kasi akong kirot sa may breast ko. Kailangan nang ipa-himas ulti, hehehe. Kaso, nga, komo mahirap kumuha ng initial appointment sa mga doktor dito kinailangan ko ring mag hintay ng matagal para sa initial appointment ko. Finally kahapon ay nakadalaw na ako. Nung dumalaw naman ako, ang balita niya sa akin ay may nahanap siyang dalawang cyst sa mismong may nipple area. Yun nga yung nire-reklamo ko na medyo kumikirot. Sabi niya hayaan nalang daw muna at obserbahan na lang muna namin ito kung growing nga ba sila at kung gaano kabilis ang pag laki nila. So, sa susunod na mga buwan ay mapapadalas na naman ang pagdalaw ko sa kanya. Ibig sabihin, mag-iingay na naman ang kaha de yero ng mga doktor ko sa buong taon na ito sa pasok ng barya-baryang matatanggap nila mula sa insurance ko.Grabe, may cyst na hindi pa daw ako nag alala. Inisip ko pa rin ang mga bills instead of my health. Ibang lasseng sakit na yata ito ah. Saang doktor kaya ako dapat pumunta para dito sa sakit na ito? (he3).

Sabi ko na nga ba, dapat medisina nalang sana ang kinuha kong kurso nung nag aaral pa ako. Malakas pala kasi ang kita ng mga doktor. Siyempre, silang mga doktor na, panay ang reklamo na underpaid nga sila. Ewan, ang tao talaga ayaw ma kontento. Ako, eto, nagnanasang nag paka dalubhasa nalang sana ako sa medisina. Pero, actually, ok lang naman din ako ngayon sa estado ko. Sila namang mga doktor na, hindi naman ma kontento sa kinikita nila bagamat mas malaki pa nga ito kesa sa normal na sinasahod ng isang regular employee.

Ay nako, isa pang eniwey, ayaoko na ng mag reklamo. Maiba ako. BUkas ay manonood kami ng concert ni Jessa Zaragosa sa Cologne, Germany. Niyaya ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. Sabi nila magaling daw na singer si Jessa. Hindi ko kilala ang singer na ito, kaya nagdadalawang isip pa ako. Ni hindi ko pa nga alam kung may sariling album na ba siya o sariling kanta niya. Hanapin ko kaya online? Sa yutsub kaya meron?

Sabagay, kung wala naman akong gagawin sa weekend, bakit hindi, diba? Para maalis na rin sa isip ko ang mga gastusin ko… ah, eh teka, gastos din ang pagbiyahe papuntang Cologne ah! Nako. Malala na nga itong sakit ko. Di bale, may isang gabi pa naman ako para maka pag-isip. In the meantime, hahanapin ko muna online ang mga kanta ni Jessa. Baka sakaling yun ang maka tulong sa akin mag desisyon kung pupunta nga ba ako o hindi sa concert niya.

Musta Na?

February 20th, 2010

Hello. Senti muna ako ha. I know hindi magandang come back ito, pero nalala ko lang kasi mga friendships ko eh. Sa tagal ng panahon at sa layo ng mga lugar na narating namin, eto.. ganun pa rin kami ka kulit sa isa’t-isa. Pag nagkita-kita, tawanan pa rin. Asaran at kulitan. Masaya naman madalas. Pero may mga panahon din na nalulongkot kami. Tulad ng malaman namin na may sakit na cancer ang isa sa grupo namin. Naiiyak kami kapag napag uusapan. Naglikom din ng kaunting halaga para sa kanyang pam pa ospital at yung iba na kayang dumalaw ay bumibisita sa kanya.

Nalungkot din kami ng malaman namin na ang ilan sa ka tropa ay hiwalay na sa mga asawa nila. Kaya lang siyempre, mga ganitong bagay, hindi kailangan kalungkutan ng matagal. Sabi nga sa akin ng insa kong kulit din, parang ganito lang daw yan:

Di ba, hapi pa rin sila? Hahahahaha!!!!

FILIPINO CNN HERO OF THE YEAR AWARDEE

November 30th, 2009

Tinawagan ako ng kaibigan kong Pinay para tanungin kung napanood ko daw ba yung awarding ng CNN 2009 Hero of the Year. Sabi ko, hindi pa at hindi ko nga alam na meron pala nun. Pinoy daw ang nanalo. Saan daw kaya nila makikita yun. Kaya hinanap ko agad sa malawak, masipot at masalimuot na mundo ng gagamba, hehehe. Ito ang nakita ko kanina.

Ang galing niya. Hanga talaga ako sa kanya. Sana hindi siya magbago. Sana ipagpatuloy niya ang katangi-tanging gawain na nasimulan niya at ng kanyang grupo.


Clips lifted from CNN.com

Ang “kariton klasrum” – simple lang ang pakay. Maturuan ang mga bata na hindi kayang pumasok sa eskwelahan dahil sa kahirapan. Gumagala ang grupo ni Efren sa Cavite para maipamahagi sa mga batang ito ang napaka halagang biyaya. Ang kaalaman. Kasabay nito, namamahagi din sila ng kaunting meryenda para sa mga bata. Kapalit nito ang maging interesado sila na matuto.

Read more here.

“Norture the body and the mind.”

MABUHAY KA EFREN PENAFLORIDA!

Kailangan niya pa kaya ng volunteer?

Sa pagsapit ng Pasko-

November 30th, 2009

Malapit na ang pasko. Malamang lahat kayo magiging busy sa holidays na darating. Maraming mga imbitasyon, handaan at sayahan kayong pupuntahan. Ako din… sana. Kaso, magta-trabaho ako. May duty ako buong Disyembre….huwaaaaaa! Curse

Nangaliwa man gud

October 23rd, 2009

A man and a woman were having dinner in an exclusive restaurant. The waitress, taking an order at another table noticed that the man was slowly sliding down his chair and under the table, while the whole time the woman was acting unconcerned.

The waitress watched as the man disappeared under the table. Still, the woman dining across from him remained calm, apparently unaware that her companion had disappeared.

After the waitress had finished taking the order, she came over and said to the woman, “Pardon me, madame, but I think your husband just slid under the table.”

The woman calmly looked up at her and replied firmly, “No he didn’t. He just walked in the door.”

Hala, hapit nabuking. Psssst! Wink

Frauen Fußball

September 1st, 2009

Abot na diri sa Germany ang mga bagong bayani nila. Labing isang kababaihan na lumaban sa UEFA sa Finland. Hindi ako fan ng football, pero hanga ako sa pinakita ng team na galing. Teamwork at dedication at palagay ko kasama na rin ang pagmamahal nilang lahat sa laro at sa Bansa. Dala nila ang titulo paalis ng Aleman para makipag tunggali sa Helsinki. Sa tuwa ng nakararami, dinala din nila itong pauwi ng Germany. Pangatlong taon na magkasunod na naging tsampiyon ang mga kababaihang ito sa larangan ng futbol. Patunay lamang na hindi lang pabrika ng bata at lalong hindi lang taong bahay ang mga kababaihan. Galing…

Magul-anon mode…

August 3rd, 2009

Napungot ko. Kaning mga uwahing adlaw, wala ko kasabot sa akong gibati. Wala biya pod ko nag da-ot, naa ra man sad koy dinero, pero ambot ngano nga ang akong kasing-kasing naa sa hate mode karon.

Dili biya daghan ang rason ngano nga magul-anon ang tawo.

Una, wala’y dinero. Naa siguro sila’y gustong paliton, bayaran or di man gani kaha gusto apan kinahanglan nga mapalit, pero tungod kay wala ni usa ka singko nga libat, ayun, dali ra sila masuko, irritate o dili ba kaha mang luod. Kasabot ko ana nga paminaw kay dili lang ka-usa ko nabutang sa ingon ana nga lugar. Pastilan, lisod biya giyod. Pero, kung naa ang mga kamag anak or kaibigan, madaling kalimtan ang ingon ani ka gamay nga problema. Khibalo ko ani kay sauna nga bata pa ko, pastilan, halos taga adlaw sulod ko sa eskwela nga wala’y kaon. Dayon tulo ka kilometro ang lakbayon kay wala’y pamilete padulong sa eskwelahan. Pait biya pero na agwanta ra man pod namong mag igsuon. Kaming magsuon maglakaw sa daplin sa dalan nga bato-bato ug abog pa giyod kaayo. Magtalay nga orag hagdan. Kasagaran mag ki-at pa jud, bisag hapit na ma late sa pag eskwela. Pero naa sad mga adlaw nga dili mag tinggana’y sa paglakaw. Iya-iya mi ug huna-huna. Taga isa nag damgo nga maabot ra ang panahon nga dili na mi gutmon.

Kaluoy sa Ginoo, karon kami tanan manag igsuon maayo na biya ang kahimtang. Pero, ngano an nga magul-anon man ko karong mga panahuna? Kani ang dakong pangutana.

Ika duha, magul-anon ang tawo kung masakitan sila. Labi na kung sa ilang tan-aw mamatay na sila. Wala na sila’y tsansa pa nga ma buhi. Bisan unsa ka daghan sa kuwarta, ug gusto na jud ni lord nga kuhaon ta, wala nga kita’y mahimo pa. Kung dili man gani ang tawa mismo, basin iyang ka-anak o dili ba kaha, amigo/amiga. Lisod, pait ug pastilan laging guola. Pero wala man sab ko nag da-ot. Salamat sa Ginoo, ako uban sa akong pamilya, kaming tanan maayo pa ug pang kalawasan. Agi niai, nagpasalamat ko ug maayo sa Ginoo. Pero, ngano man lagi nga magul.-anon man ko aning niaging semana hangtud karon?

Ikaw, kahibawo ka ngano? Bitaw bi, hung-hongi kuno ko ngano.

Pinoy party

July 14th, 2009

Nakipag parte-han ako last weekend. Overnight yun kaya naman may i bring ako at si roommate ng mga sleeping bags namin at kanya-kanyang kumot at unan. Masaya naman. Nag enjoy lahat ng bisita, ( i think) at least hopefully lahat nga. May couple kasi na umuwi around midnight at may work pa daw sila the following morning.

Ako naman ang sinugod ko doon ay para makita at masubukan ang ganoong klaseng handaan dito sa Alemanya. Kasi hindi ko pa nagawang maki pagparty dito ng pa-morningan concept. Sa Pinas pa, madalas ganoon ang parties na napu puntahan ko doon. Kaya nung magka yayaan nga, ay A-OKAY naman ako. Si roommate naman ay nabitbit ko lang kasi wala naman pala siyang naka sched na gagawin for the weekend.

Ayun, enjoy naman talaga. Madaming fud. Masasarap pa lahat. Nagdatingan ang mga bisita ng pa konti-konti. Sunod-sunod naman. Nag start ng mgabandang alas dos ng hapon at pagdating ng bandang 6 pm halos lasing na ang karamihan. Komo nga ang party ay pa-morningan, hindi nahinto ang inuman ng 7pm, bagama’t nag tuloy-tuloy ito hanggang 4 a.m. the following day. Sus, may mga bagsak na ang mga ulo sa mesa at yung iba naman ay kung anu-ano na ang sinasabi. Perp sige pa rin ang ingay. Nagtaka nga ako at hindi nag reklamo ang mga kapitbahay sa ingay namin. Pero, siguro naka pag paalam na ang mga host namin na hanggang umaga ang party nila kaya quiet na lang ang mga neighbors.

Habang nagpapaka lasing ang iba ay nagka kantahan naman ang iilan. Meron din siyempreng mesa ang “tong-its” girls. May naghamon ng madjong pero yung mga hindi nag to tong-its, ay hindi naman marunong mag madjong, kaya hindi nalang inilabas ang madjong set. May nagyayang mag poker sa mga kalalakihan pero nauwi din sa inuman at kanya-kanyang digahan. Hindi nila kayang mag multi-tasking. Nahirapan yatang mag concentrate on drinking and playing cards at the same time. Tapos, siyempre meron pang usap-usapan, kaya ayun, naka isang game lang sila tapos inuman nalang talaga. Samantalang ang grupo ng tong-its na puro ka-babaihan, ayun, masaya naman. Naglalaro habang nag tutok-suhan, kumakain, at minsan kinakailangan pang tumayo sa mesa para mag serve ng fud and drinks sa mga mister nila, at naturalmente may kasama ding tsismisan all at the same time yan. The part i find really difficult to follow kasi pag nag tsismisan, you have to know the roots of the people or person whom they are talking about.Parang, ganito:

Aling M: Oy, alam niyo ba na si babae, na kapatid ni lalaki at pamangkin ni mang tony na asawa ni ate Linda ay napa uwi na? Nahuli sa city habang bumibili ng timapay pang baon sa connecting na trabaho. Ahemm, short-cut version lang po iyan, hehehe. O diva bongga!

Sobra. Kahit pala nasa malayong lugar na nag mga Pinoy, dala pa rin talaga nila ang kinagisnang kultura. Ang kapuna-puna pa talaga ay yung mga mister na Aleman ng mga pinay para na rin silang Pinoy kung makipag inuman, hahaha. Mukhang well trained na sila talaga. Pwede na kayong mag for good sa Pinas para mag buhay hari doon.

Ang masasabi ko lang: Welkam kababayan, welkam to our native ways…

Sa ngalan ng Pag-ibig?

July 8th, 2009

Naka bakasyon ako ngayon, actually since almost a week na rin. La lang. Burn out daw! Actually, na ho home-sick ako. Ilang linggo na ri akong nangangarap na maka uwi ulit sa Pilipinas. Matagal-tagal na rin akong hindi nakaka- uwi.

Nung isang araw, nag presinta akong tumulong sa documentation work ng door to door delivery business ng isa pang Pinay na nakilala ko dito. Enjoy naman at dahil sa bayanihan lang iyon, libre naman ang isang kahon ko at naka pag ice cream pa ako. Ang pinaka mahalaga ay nag enjoy ako sa buong araw na iyon. Na wala panandalian ang pagka home-sick ko. Mga sandaling nakakapawi ng lungkot…ahem, yan ang nagdadala ng pahamak sa maraming buhay.
OFW
photo source from here

Si missis na nalungkot nang umalis si mister papuntang ibang bansa para kumita, ayun nalungkot at nakahanap ng magpupuno ng panandaliang kaligayahan. Sa huli eh, naghiwalay sila ni mister. Pamilyar ba ang istorya? Oo, marami kasing ganyang kuwentong buhay dito.

Yung isang kasamahan namin sa pag tatapos ng shipment dun sa tinulungan ko, ang lalaki ay undocumented na nandito. Si misis naman eh may papel dahil nakapag asawa siya dati ng isang Aleman. Ngayong na divorce na sila nung Aleman, kinuhan ni misis ang kanyang unang asawa na Pinoy mula sa pinas. Nag TNT dito si mister. Sa kasawiang palad, nahuli si mister at napa uwi. So ang ginawa ni misis sumunod din siya sa Pinas at pinakasalan ang mister niya. Bagama’t Aleman na si misis, hindi nagtagal ay naka balik si mister dito. Subalit naiwan na ang puso niya sa Pinas. May nakilala pala siya doon. Nung mga panahong nalungkot, na depress at nangulila sa mag-iina niya, nakilala niya ang isang dalagang maalalahanin at mapag mahal. Natutunan itong mahalin ni mister at nagkaroon na sila ng relasyon.

Subalit dumating na ang panahon na kailangan nang bumalik ni mister dito sa Alemanya – sa kanyang tunay na pamilya. Nag dalawang isip si mister, dahil nga napamahal na sa kanya ang dalaga. Pero, bumalik naman siya ulit dito sa Alemanya. Subalit nangibabaw ang lungkot at pangungulila niya sa dalagang nakilala at naging kasintahan sa Pinas.

Makalipas ang 2 buwan, umuwi ulit si mister. Nag desisyon siyang iwanan ang kanyang mag-iina dito sa Alemanya. Pinag palit niya ito sa dalagang nakilala sa Pinas.

Pamilyar ba sa inyo ang istoryang ganito? Madalas nating naririnig ito – mga kuwentong OFW. Mga pamilyang nagkakahiwalay dahil sa pangarap na maahon sa kahirapan ang buong pamilya ay nangingibang nayan ang isang miyembro. Hanggang sa mawasak na nga ang buong puno’t-dahilan ng sakripisyo. Ang tao kasi nga naman talaga. ay marupok, mapangahas at madaling mawala sa sarili sa ngalan ng pag ibig.