17
December
Christmas party na walang feeling…
I just got back from our company X-mas party. Ano ba yung pinanggalingan ko. Para akong nagkaroon ng culture shock. Admittedly, hanggang ngayon hindi pa rin ako nasanay sa kultura ng Aleman. Sa pinoy kasi, ang alam kong handaan o party, may sayawan, kantahan, kainan at tawanan. Tumatagal din ito hanggang sa magsawa na ang mga tao sa kaka kanta, sayaw, kaka kain at inom. Nag sasaya ang mga tao na para bang wala silang pasok sa trabaho kinabukasan.
Yung napuntahan ko kanina, well, the fact that I am blogging at 10 Pm tells you already something. Nagsimula ng alas siete ng gabi. Nagdatingan ang mga tao sa isang Sports Bar and Restuarant sa siyudad. Naupo sa iba’t-ibang mesa ang kanya-kanyang grupo. Nag order-an ng pagkain. Nag hintay ng 15 minutes hanggang dumating na ang pagkain namin, samantalang nag uusap ang iba. Karamihan ay naka tanga, nagkukuhaan ng litrato at nagpapa cute. Pagdating ng pagkain, siyempre, galit-galit na ulit habang luma-lafang. Tapos, medyo nagkaroon ng usapan ang kanya-kanyang grupo. Maya’t-maya lang ay tumayo na ang ilan at kailangan na daw nilang umuwi. May pasok pa kinabukasan ang iba at ang iba naman ay gusto lang makisabay sa tren. Ayaw nila mag tren mag -isa. Natural, nag tayuan na rin ang iba at wala na nga naman matitira. Sa madaling salita, natapos ang party sa loob ng dalawang oras. Pakiramdam ko, para akong nag punta sa restaurant, nakisabay kumain sa mga di ko kakilalang tao, tapos uwian na. Para tuloy akong hindi nabusog sa kinain ko.
Eh nako, napaka wierd naman talaga ng party na yun. Ni hindi ko man lang naramdaman na ka Paskohan ang pinag diriwang namin.
Kayo, kamusta naman ang Christmas party ng kompanya niyo?
This entry was posted on Wednesday, December 17th, 2008 at 10:40 pm and is filed under Laag ta Bai', Sa Akong Tan-aw. Follow the comments through the RSS 2.0 feed. You can post a comment, or leave a trackback.