6

April

Pino-protektahan o kino- kontrol ang misis niya?

Kanina may nakausap akong isang Aleman doon sa park. May asawa siyang Pilipina at 2 taon na dito ang misis niya. Pangalawang asawa niya na ito na Pilipina. Yung una, nag divorce daw sila. Maayos naman daw ang pag hihiwalay nila. Napag usapan namin kung ano ang balak niyang gawin ngayon. Ayaw daw muna niyang magka anak. Gusto niya munang magsarili silang mag asawa. Hindi niya rin pinag ta trabaho ang misis niya. Ayaw niya daw na madumihan ang isip at pagkatao ng misis nyia sa “pamamaraang burukrasya ng Alemanya”. Kahit pa nga daw makaka tulong talaga sana kung kahit hanggang sa limang daang euro ay kikita ang misis niya. Di bale nalang daw. Mag titiis na lang sila. Basta daw para sa kanilang dalawa wala naman daw problema. Ahem!

Sus, sinong niloko niya?! Ayaw niya lang maging independent ang misis niya. Kasi pag nangyari yun, di niya na mako kontrol ang pag tulong ng misis niya sa pamilya nito na naiwan sa Pinas. Ganoon pala kasi ang nangyari doon sa una niyang napangasawa na Pinay. Noong una, hindi niya ito pi-nagta-trabaho. Pero, habang nagtagal, hindi niya na rin napigilan ang Pinay na mag trabaho. Kasi nga, may pamilyang humihingi sa kanya ng tulong na naiwan niya sa Pilipinas. Sa haba man ng diskusyon at pag tatalo nila, ay nagawa din ng Pilipina makag pag trabaho. Yung nga lang, nai sakripisyo nito ang pagsasama nilang mag asawa. Nag hiwalay sila at eto, kumuha nga ng bagong asawa ang Aleman.

Eto ngayon. Maisip-isip ko lang, hanggang kelan kaya matitiis ng Pinay na ito ang pamilya niya sa Pinas. Hindi siya nakapag papadala ng regular kasi wala naman siyang sariling kita. Eto namang asawa niya ay matigas na sinasabing sa kinikita niya ay kasya lang para sa kanilang dalawa. Ibig sabihin, wala siyang extra na maipapadala sa Pinas para sa pamilya ng babae.

Kasi, alam naman natin na natural na hihingi ang pamilya ng naiwan sa Pinas ng tulong sa kung sino man kamag-anak na nakaka pag abroad. Hindi ba’t madalas na dahilan, kaya nag aabroad ay dahil para kumita ng medyo malaki pang tulong sa pamilyang naiwan sa Pilipinas. Para maka pag bigay ng magandang buhay sa mga kapatid at magulang. Yan ang madalas na sagot ng mga kapwa OFW at migranteng manggagawa kapag tinanong mo sila kung ano ang dahilan at nilisan nila ang sariling bayan.

Kung totousin, mas masarap mamuhay sa sariling bayan. Yan ay kung may pinagkakakitaan ka. O kaya ay mayroong magandang position sa trabaho at sapat na kita. Gusto ko sanang tanungi n ang Pinay kanina kung ano naman ang nasa kalooban niya talaga tungkol sa situwasyon nilang mag asawa. Pero hindi ako nagka lakas loob na mag tanong, dahil ayaw ko naman na sabihan nilang nakikialam ako sa buahy nilang mag asawa. Kahit ba, sa totoo lang, gusto ko na sana mag komento dun sa Pinay. Kung hindi siya nanatiling tahimik at walang kibo, siguro pa magkaka lakas loob akong kausapin siya tungkol dito. Pero, wala siyang reaksiyon o tutol man lang sa mga sinabi ng mister niya. Hay, buhay nga naman ng Pinay dito sa Europa.

This entry was posted on Monday, April 6th, 2009 at 7:32 pm and is filed under Pamilya, Sa Akong Tan-aw. Follow the comments through the RSS 2.0 feed. You can post a comment, or leave a trackback.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word

Click to Insert Smiley

SmileBig SmileGrinLaughFrownBig FrownCryNeutralWinkKissRazzChicCoolAngryReally AngryConfusedQuestionThinkingPainShockYesNoLOLSillyBeautyLashesCuteShyBlushKissedIn LoveDroolGiggleSnickerHeh!SmirkWiltWeepIDKStruggleSide FrownDazedHypnotizedSweatEek!Roll EyesSarcasmDisdainSmugMoney MouthFoot in MouthShut MouthQuietShameBeat UpMeanEvil GrinGrit TeethShoutPissed OffReally PissedMad RazzDrunken RazzSickYawnSleepyDanceClapJumpHandshakeHigh FiveHug LeftHug RightKiss BlowKissingByeGo AwayCall MeOn the PhoneSecretMeetingWavingStopTime OutTalk to the HandLoserLyingDOH!Fingers CrossedWaitingSuspenseTremblePrayWorshipStarvingEatVictoryCurseAlienAngelClownCowboyCyclopsDevilDoctorFemale FighterMale FighterMohawkMusicNerdPartyPirateSkywalkerSnowmanSoldierVampireZombie KillerGhostSkeletonBunnyCatCat 2ChickChickenChicken 2CowCow 2DogDog 2DuckGoatHippoKoalaLionMonkeyMonkey 2MousePandaPigPig 2SheepSheep 2ReindeerSnailTigerTurtleBeerDrinkLiquorCoffeeCakePizzaWatermelonBowlPlateCanFemaleMaleHeartBroken HeartRoseDead RosePeaceYin YangUS FlagMoonStarSunCloudyRainThunderUmbrellaRainbowMusic NoteAirplaneCarIslandAnnouncebrbMailCellPhoneCameraFilmTVClockLampSearchCoinsComputerConsolePresentSoccerCloverPumpkinBombHammerKnifeHandcuffsPillPoopCigarette