10

April

sari-sari

Hindi ko na ulit nakita ang mag asawa sa park kanina nung napa daan ako doon. Well, pagkatapos ba naman nung usapan namin nung isang araw, parang ayaw ko na rin yata munang makita ang lalaki na yun. Lalo lang kasi akong magkakasala, eh Holy week pa naman.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
At kanina, pagka galing ko sa trabaho, dumaan ako sa isang local shop dito sa tapat ng bahay namin. Nag sale kasi sila up to 80% off sa lahat ng prices nila kasi magsa sara na ang tindahan nila. Maraming mura, pero hindi ko masyadong nagustuhan. May bag sana akong natipuhan, kaso mahal para sa isang imitation na Italian design. Kung sa Pinas ko binili yun, mga 2 euros lang siguro yun, hahaha. Pinilit kong tawaran ang bag pero talagang ayaw niyang ibigay. Isosoli niya nalang daw sa firma kung saan niya nabili yun. Sabi ko sige, ibalik niya nalang lang. Sa Pinas ko nalang hahanapin ang bag na yun at doon ko bibilhin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa Linggo, niyaya ako ng mga kakilala ko sa isang Resto. Maganda daw doon at masarap daw doon kumain. Nako, para yatang wala akong ipam babayad sa lagangan na iyon. Kasi pag sinabi nilang maganda at masarap kumain doon, ibig sabihin, mamahalin ang kanin at ulam doon. Hay, kaya kinailangan ko mag over time para makasama sa kanila sa Lingo. Isang restaurant na kapangalan ng isang Bansa at isang Continent… hehehe. Malagim na ba ako? Marami pa akong pa ek-ek tungkol sa pangalan ng bar. Ayoko kasing mag bigay ng wrong or negative impression sa bar… well not until I have visited the place. Iba-blog ko naman ang experience eh, so to follow na lang yung name ng bar, okies?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Umalis ang room mate ko. Hindi ko lang alam kung kelan ang balik niya. Punta daw siya sa magulang niya. Marami daw siyang kailangang asikasuhin at ayusin doon sa bahay ng magulang niya. Eh sa kadahilanang marami din naman akong naka pila na gawiang bahay at sa trabaho sa madami din akong titapos, hindi ko napa unlakan ang yaya niyang sumama ako sa kanya. Sa susunod nalang ulit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tag-init na ngayon dito. Naaalala ko tuloy tuwing Holy week sa Pinas, sobrang init talaga. Nakaka miss ang halo-halo, ice candy at ice drop. Ang sarap, hayyy…kaya kanina, napapunta ako sa maliit na grocery sa two blocks away para lang bumili ng ice cream. Maraming ´choices. Fruit flavor, etc.. pero ang binili ko ay isang pint ng Hagendaas cookies and cream. Hmmmm. yummmmy!!! Favorite ko yun simula nung bata pa ako. Kaya hindi kataka-takang naubos ko siya in one sitting. Bukas, aawayin ko ang sarili ko pag nakit ako ang figures sa body scale ko

This entry was posted on Friday, April 10th, 2009 at 9:06 pm and is filed under Ako-ako ra nì, Bisan unsa lang. Follow the comments through the RSS 2.0 feed. You can post a comment, or leave a trackback.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word

Click to Insert Smiley

SmileBig SmileGrinLaughFrownBig FrownCryNeutralWinkKissRazzChicCoolAngryReally AngryConfusedQuestionThinkingPainShockYesNoLOLSillyBeautyLashesCuteShyBlushKissedIn LoveDroolGiggleSnickerHeh!SmirkWiltWeepIDKStruggleSide FrownDazedHypnotizedSweatEek!Roll EyesSarcasmDisdainSmugMoney MouthFoot in MouthShut MouthQuietShameBeat UpMeanEvil GrinGrit TeethShoutPissed OffReally PissedMad RazzDrunken RazzSickYawnSleepyDanceClapJumpHandshakeHigh FiveHug LeftHug RightKiss BlowKissingByeGo AwayCall MeOn the PhoneSecretMeetingWavingStopTime OutTalk to the HandLoserLyingDOH!Fingers CrossedWaitingSuspenseTremblePrayWorshipStarvingEatVictoryCurseAlienAngelClownCowboyCyclopsDevilDoctorFemale FighterMale FighterMohawkMusicNerdPartyPirateSkywalkerSnowmanSoldierVampireZombie KillerGhostSkeletonBunnyCatCat 2ChickChickenChicken 2CowCow 2DogDog 2DuckGoatHippoKoalaLionMonkeyMonkey 2MousePandaPigPig 2SheepSheep 2ReindeerSnailTigerTurtleBeerDrinkLiquorCoffeeCakePizzaWatermelonBowlPlateCanFemaleMaleHeartBroken HeartRoseDead RosePeaceYin YangUS FlagMoonStarSunCloudyRainThunderUmbrellaRainbowMusic NoteAirplaneCarIslandAnnouncebrbMailCellPhoneCameraFilmTVClockLampSearchCoinsComputerConsolePresentSoccerCloverPumpkinBombHammerKnifeHandcuffsPillPoopCigarette