4

July

THE BEATLES

Nag Beatles mania kami ng ka roommmate ko. Pinanood namin ang Beatles Anthology the whole night. Walastik! Ang tindi pala talaga ng naging epekto ng Beatles sa mga kababaihan at (take note!) kalalakihan sa buong mundo. Hababng pinapanood ko ang The Beatles Anthology, kini-kilabutan ako. Magaling nga naman talaga sila. Pero kung tutuusin, ang mga lyrics ng kanta nila ay sadyang simple lamang. Mga kyut lang silang apat panoorin. Mga school boys ang dating at natural lang na maloka ang mga dalaga, ina, tita, at lola. At hindi lang ang female gender ang naloka sa kanila. Oww.. diva bongga!

Ang pinaka unang performance pala ng Beatles ay sa Hamburg, Germany, noong Agosto 18, 1960 sa Reeperbahn, Hamburg, Germnay. Doon unang nag perform ang grupong BEATLES. Sina John Lennon (rhythm/ vocals), Paul McCartney (rhythm/vocals), George Harrison (lead/ vocals), Stuart Sutcliffe (bass/vocals) and Pete Best (drums). Pinalitan ni Ringo Starr si Pete Best noong Agosto 16, 1962. Nagsimula na rin silang mag rekord ng kanta tulad ng mga “Love Me Do” at “P.S. I Love You”. Inilabas din ang “I Remember You” at “Please Please Me b/w Ask Me Why sa Amerika noong 25 February 1963. At makaraan ang isang taon, Pebrero 9, 1964, lumabas ang The Beatles sa The Ed Sullivan Show sa New York. Read more here.

Dumalaw din pala sila sa Pinas, pero hindi yata naging maganda ang pag punta nila doon sa ating Bayan. Nakakahiya naman talaga ang ginawa ng ilang taong nasa kapangyarihan noong panahon na iyon.

Basahin niyo dito ang naka lagay sa diyaryo nung mga panahon na iyon dito. Meron naman ding mga nakaalala sa pangyayari noong mga panahon na iyon. Hindi lang kuro-kuro kundi talagang nandun daw sila mismo sa concert. Pwede niyo pong basahin din dito .

Sa Anthology nila narinig ko ang mga kanta ng Beatles na hindi ko pa narinig noon. Grabe, ang dami pala. Nakaka hya mang aminin pero, totoo, iilan lang sa kanta ng Beatles ang alam ko. Yeterday, Yellow Submarine, Hey Jude, Here Comes The Sun, Here There and Everywhere, Something and Revolution to name some.

Ang mga kanta tulad ng Paper Back Writer at Oh! Darling . . . ngeee! never heard Wink Pero gusto ko rin yung mga kanta.

Kung gusto niyo mapanood ang Anthology, pwede niyo panoorin sa You Tube o kaya dito, pero meron din yatang nabibiling VHS tape nito kasi yung inuwi ni roommate ay naka VHS na.

O, bakit naman daw nag post ako nito? Kasi, naisip ko lang, July 4, 1966 nangyari ang insidente. Pero hanggang ngayon, masakit pa ring pakinggan ang sinabi nila. Sa totoo lang, hindi po iyon gawa ng lahat ng Filipinos o nang buong Pilipinas. Gawa po iyon ng ilang tao na sa kasamaang palad ay namuno ng Bansa namin. Nakaka inis talaga!

This entry was posted on Saturday, July 4th, 2009 at 6:27 am and is filed under Entertainment, Kanta 'ta Bai', Music. Follow the comments through the RSS 2.0 feed. You can post a comment, or leave a trackback.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word

Click to Insert Smiley

SmileBig SmileGrinLaughFrownBig FrownCryNeutralWinkKissRazzChicCoolAngryReally AngryConfusedQuestionThinkingPainShockYesNoLOLSillyBeautyLashesCuteShyBlushKissedIn LoveDroolGiggleSnickerHeh!SmirkWiltWeepIDKStruggleSide FrownDazedHypnotizedSweatEek!Roll EyesSarcasmDisdainSmugMoney MouthFoot in MouthShut MouthQuietShameBeat UpMeanEvil GrinGrit TeethShoutPissed OffReally PissedMad RazzDrunken RazzSickYawnSleepyDanceClapJumpHandshakeHigh FiveHug LeftHug RightKiss BlowKissingByeGo AwayCall MeOn the PhoneSecretMeetingWavingStopTime OutTalk to the HandLoserLyingDOH!Fingers CrossedWaitingSuspenseTremblePrayWorshipStarvingEatVictoryCurseAlienAngelClownCowboyCyclopsDevilDoctorFemale FighterMale FighterMohawkMusicNerdPartyPirateSkywalkerSnowmanSoldierVampireZombie KillerGhostSkeletonBunnyCatCat 2ChickChickenChicken 2CowCow 2DogDog 2DuckGoatHippoKoalaLionMonkeyMonkey 2MousePandaPigPig 2SheepSheep 2ReindeerSnailTigerTurtleBeerDrinkLiquorCoffeeCakePizzaWatermelonBowlPlateCanFemaleMaleHeartBroken HeartRoseDead RosePeaceYin YangUS FlagMoonStarSunCloudyRainThunderUmbrellaRainbowMusic NoteAirplaneCarIslandAnnouncebrbMailCellPhoneCameraFilmTVClockLampSearchCoinsComputerConsolePresentSoccerCloverPumpkinBombHammerKnifeHandcuffsPillPoopCigarette