27
May
Lumabas na…
Officially, pwede na akong bumoto dito sa Alemanya. O diba, dapat masaya ako? Kasi, kasabay nito, ay ang pribilihiyo na makarating sa iba’t-ibang bansa na hindi ko na kailangan mag apply ng pre-approved visa. Pero, parang napa ka babaw naman ng mga kasiyahan na ito.
Sa hirap nang pinag-daanan ko para makamit ito, parang hindi ako na kontento sa kapalit ng pagdurusa ko.
Mahigit isang taon din akong nag hintay. Pinag aralan ang batas, patakaran at nakaraan ng bansang ito. Araw araw kong binasa at pilit inintindi ang mahigit sa 300 na mga katanungan na posibleng lumabas sa pagsulit. Ang listahan ng mga dokumento na kinailangan kong ipasanib sa salitang Aleman ay napaka kapal na. Bukod sa mahirap ay magastos din ang proseso. Pero hindi na bale. Kasi, tagumapy na ako.
Pero, matamis nga ba ang TAGUMPAY na ito?
This entry was posted on Wednesday, May 27th, 2009 at 7:30 am and is filed under I, Me & Myself. Follow the comments through the RSS 2.0 feed. You can post a comment, or leave a trackback.