14
July
Pinoy party
Nakipag parte-han ako last weekend. Overnight yun kaya naman may i bring ako at si roommate ng mga sleeping bags namin at kanya-kanyang kumot at unan. Masaya naman. Nag enjoy lahat ng bisita, ( i think) at least hopefully lahat nga. May couple kasi na umuwi around midnight at may work pa daw sila the following morning.
Ako naman ang sinugod ko doon ay para makita at masubukan ang ganoong klaseng handaan dito sa Alemanya. Kasi hindi ko pa nagawang maki pagparty dito ng pa-morningan concept. Sa Pinas pa, madalas ganoon ang parties na napu puntahan ko doon. Kaya nung magka yayaan nga, ay A-OKAY naman ako. Si roommate naman ay nabitbit ko lang kasi wala naman pala siyang naka sched na gagawin for the weekend.
Ayun, enjoy naman talaga. Madaming fud. Masasarap pa lahat. Nagdatingan ang mga bisita ng pa konti-konti. Sunod-sunod naman. Nag start ng mgabandang alas dos ng hapon at pagdating ng bandang 6 pm halos lasing na ang karamihan. Komo nga ang party ay pa-morningan, hindi nahinto ang inuman ng 7pm, bagama’t nag tuloy-tuloy ito hanggang 4 a.m. the following day. Sus, may mga bagsak na ang mga ulo sa mesa at yung iba naman ay kung anu-ano na ang sinasabi. Perp sige pa rin ang ingay. Nagtaka nga ako at hindi nag reklamo ang mga kapitbahay sa ingay namin. Pero, siguro naka pag paalam na ang mga host namin na hanggang umaga ang party nila kaya quiet na lang ang mga neighbors.
Habang nagpapaka lasing ang iba ay nagka kantahan naman ang iilan. Meron din siyempreng mesa ang “tong-its” girls. May naghamon ng madjong pero yung mga hindi nag to tong-its, ay hindi naman marunong mag madjong, kaya hindi nalang inilabas ang madjong set. May nagyayang mag poker sa mga kalalakihan pero nauwi din sa inuman at kanya-kanyang digahan. Hindi nila kayang mag multi-tasking. Nahirapan yatang mag concentrate on drinking and playing cards at the same time. Tapos, siyempre meron pang usap-usapan, kaya ayun, naka isang game lang sila tapos inuman nalang talaga. Samantalang ang grupo ng tong-its na puro ka-babaihan, ayun, masaya naman. Naglalaro habang nag tutok-suhan, kumakain, at minsan kinakailangan pang tumayo sa mesa para mag serve ng fud and drinks sa mga mister nila, at naturalmente may kasama ding tsismisan all at the same time yan. The part i find really difficult to follow kasi pag nag tsismisan, you have to know the roots of the people or person whom they are talking about.Parang, ganito:
Aling M: Oy, alam niyo ba na si babae, na kapatid ni lalaki at pamangkin ni mang tony na asawa ni ate Linda ay napa uwi na? Nahuli sa city habang bumibili ng timapay pang baon sa connecting na trabaho. Ahemm, short-cut version lang po iyan, hehehe. O diva bongga!
Sobra. Kahit pala nasa malayong lugar na nag mga Pinoy, dala pa rin talaga nila ang kinagisnang kultura. Ang kapuna-puna pa talaga ay yung mga mister na Aleman ng mga pinay para na rin silang Pinoy kung makipag inuman, hahaha. Mukhang well trained na sila talaga. Pwede na kayong mag for good sa Pinas para mag buhay hari doon.
Ang masasabi ko lang: Welkam kababayan, welkam to our native ways…
This entry was posted on Tuesday, July 14th, 2009 at 1:25 pm and is filed under Amiga, Bisan unsa lang. Follow the comments through the RSS 2.0 feed. You can post a comment, or leave a trackback.