5
August
Umuulan
Pag gising ko ngayong umaga, umuulan na. Late na din ako bumangon. Nag inin muna ako ng konti kahit mula alas 9 ng umaga. Umalis na rin kasi si roommate ko. Hinihintay ko nalang edyo tumila ang ulan tapos lalabas na ako ng bahay. Kailangan ko mag pakita sa aking bagong prendo sa employment services. Nako, kung pwede nga lang, hindi na muna kaso, obligasyon ko ito dahil ako mismo ang umalis sa trabaho ko.
Patakaran kasi dito, na kapag huminto o nawalan ng trabaho ang isang mamamayan ay kailngan pumunta sa employment services para magpa rehistro na wala na ngang pinagkakakitaan ang mamamayan na ito. Tapos, ang gobyerno na ang magbabayad sa mga healt insurances at sila na rin ang mag dedesisyon kung may matatanggap na tulong ang taong iyon at higit sa lahat kung magkano ang matatanggap nito buwan-buwan.
Actually, di naman kalakihan ang halaga. Kung baga, tulong lang panawid gutom. Pero, pwede na rin, kesa walang pumapasok na pera sa pondo kada pasok ng buwan. Nakahanda na lahat ng dokumento ko. Ipapakita ko nalang sa kanila ito, at kung sa palagay nila ay kumpleto na ang mga forms ko, sabay isa submit ko na rin pagkatapos kong magawan ng kopya ang bawat dokumento.
OO, sine xerox ko lahat ng papeles ko. Panigurado lang naman. Para kung sakaling may hahanapin sila sa akin, ay may pruweba ako na nasa kanila na nga ito.
Patakaran ko dapat handa lagi. Siyempre, gerl skawt yata ako nung bata pa ako.
This entry was posted on Thursday, August 5th, 2010 at 11:11 am and is filed under Ako-ako ra nì. Follow the comments through the RSS 2.0 feed. You can post a comment, or leave a trackback.
March 26th, 2015 at 7:33 am
sa akin pag naaulan, ang sarap ng nasa bahay lang, matutulog ka lang pagkatapos kwentuhan
|Playgroup Singapore