Sex-ty. . .

Sex-ty things you should know about I, Me & Myself

  1. matindi ako magmahal

  2. pangalawang anak ako ng nanay at tatay ko

  3. hanggang 3rd year high school lang natapos

  4. malakas ako uminom dati

  5. malakas ako manigarilyo

  6. malandi ako

  7. kasi maganda ako (sabi ng nanay ko, hahaha)

  8. magastos ako

  9. kaunti lang ang mag kaibigan ko

  10. maaga ako nag simula mag trabaho

  11. mahilig ako sa alahas

  12. kung galit ako sa isang tao, di ko ito kiakausap at pinapansin

  13. sitsitan mo ako at lilingon agad ako

  14. mahina ako sa agham

  15. bobo naman ako sa matimatika

  16. lalong bagsak ako sa pilipino

  17. maawain naman ako sa kapwa ko dukha

  18. inis ako sa mayayaman na tao

  19. mahal ko ang pamilya ko

  20. kaya kong magpuyat ng isang linggo, pero di ko kaya magutom sa loob 2 araw

  21. palagi ako huli dumating sa mga appointments ko

  22. mahilig ako magpalaki ng isang istorya na walang saysay

  23. pag ganado ako, maglilinis ako ng buhay buong maghapon

  24. madalas naman, wala akong gana at mas gugustuhin ko pang mag laro ng pyuter

  25. marami akong pinsan na kinaiinisan ko

  26. galit din ako sa ilang tiyahin ko

  27. mahal na mahal ko naman ang lola ko

  28. pasensiyosa naman ako

  29. plastik din ako

  30. masama akong ma in-despair

  31. marami akong koleksiyon na bag

  32. mahilig ako sa sapatos

  33. madalas ako magsinungaling

  34. marami akong lihim

  35. marami din akong mga pangarap

  36. mahilig akong magpanggap na mayaman

  37. mahirap lang talaga ako

  38. meron akong isang bagay na kinatatakutan

  39. naniniwala ako sa karma

  40. mahilig din ako maniwala sa kasabihan at tradisyon

  41. malalalahanin din naman ako

  42. malakas ako kumain

  43. nasa malayong lugar ako ng kota kinabalu

  44. di pa talaga ako nakarating sa malayong lugar na yan

  45. papansin din ako

  46. pero mahiyain naman ako

  47. mahilig ako kumanta

  48. wala namang hilig ang kanta sa akin

  49. nagpumilit din akong matutong mag sayaw

  50. parehong kaliwa naman ang mga paa ko

  51. hindi ako marunong magluto

  52. magaling naman akong manahi

  53. mapagbigay ako kahit pa noon bata pa ako

  54. kaya madali din akong bumigay sa taong minahal ko

  55. paborito kong prutas ang mansanas ( ni eva)

  56. mahilig din ako sa poncan

  57. allergic ako sa sinegwelas

  58. malaki ang mga paa ko

  59. sakang nga pala ako

  60. madalas ako magbasa noon ng liwayway at wakasan