12

May

The Lost Symbol

Actually came out September 2009

I have been dying to read it but since it is only available in hardbound version, it is a bit expensive. Still, I managed to just swallow hard and purchased one for myself.

And I finally finished reading the book. Although the others were also quiet captivating. To me, this is the best ever that D.B. wrote.

Now, I should try to finish the other 25 books or so waiting for me. I don’t even know where to put them anymore. My bookshelves and cabinets are so full, I can hardly close them.

So, I’m off to start with Mary Higgins Clark…

11

May

Bagong proyekto

The shrine

Ang ganda niya anoh? Nahalungkat ko siya sa isa sa mga memory disks ng cam ko. Naalala ko lang ginamit ko ang disk na ito when I went back home to visit. Next project ko ito para sa harap ng bahay. Sana masimulan ko na.

10

May

fasting at 4-5 hours daily hiking…kaya ba?

I have been depriving myself of solid food intake since May 8, 2010. No, I am not on hunger strike. I have no reason to go on strike. I am doing my body a big favor. I need to loose weight and I also need to cleanse my internal organs… hence, the Fasting regime.

I plan to do this until Saturday, May 15, 2010. Last time I did this was for almost two weeks. And the very first time I tried this regime was several years ago and I did it for about three weeks. One can actually do it. Really, it only takes the will of mind and discipline.

How does my day go?

Well, I start with the preparation of my breakfast. Breakfast is, a glass of orange juice mixed with olive oil, garlic and some herbs. It depends on which type of herbs I want to put into my drink. It can be basil, dill, anything. I make tea… lots of tea. I have different types of tea to enjoy everyday, so i just do a mix-match of it as well. Important is that I should not forget to take Liver tea. Essential to assist my liver in this very strenuous time.

After I have prepared everything on the table, I do my 30 minutes exercise. This is also essential to keep my body fit, and my muscles awake. Only after the exercise can I take my breakfast.

After breakfast, I prepare my thermos of Tea and bottle of water to take with me in my long walks. The walk is also very important to maintain muscular activity. The body has to be active. During the walks, I drink water, tea and a slice of lemon for lunch. I also have a special mixed drink juice of the red beets and cabbage. It may sound weird to you but it tastes good. Especially if you have no other choice, hehehe.

For dinner, I prepare soup. Any kind of vegetable soup provided that the vegies are grinded. There should be no trace of any solids in the soup. The soup alone has another special way of preparation. Nakakapagod din ang buong maghapon. Kaya after a long soak in the bath pagkatapos mag hapunan, ready na ako matulog with my warm bottle.

Ilang araw na rin ang nakalipas. At ilang araw na lang pwede na ulit kumain. Pero hindi pwedeng biglain ang tiyan. Magsisimula muna ako sa prutas, clementina or mandarin or poncan. After wards, pwede na ako sa thin sliced wheat bread. Dahan dahan hanggang sa pwede na ulit kumain ng kanin, karne at isda. Nakaka miss din ang pagkain. pero, kailangan ko itong gawin. Para sa kalusugan at vanity, hehehe.

9

May

Chikka sa pag boto at .. Happy Mother’s day sa lahat ng Ina!

Ka chat ko kanina si sisterat. Asking siya kung bumoto daw ba ako. Sabi di kasi sabi ng embassy dito, di daw ako pwede bumoto. Ayaw nila sa boto ko, hehehe.

Sana kung sino nman ang mag wawagi, gabayan siya ng Puong Maykapal sa kanyang Pamamahala sa Gobyerno ng Pilipinas. Nakaka pagod na kasi. Palagi nalang paulit-ulit ang nangyayari. Magpapalit ng pamahalaan. Sa simula, puro pangako. Sa katagalan lahat iyon napapako. At sa huli, ang pinaka mapait pa talaga, yung mga nahahalal lang ang umaasenso. Ang ating kapwa Pilipino patuloy pa rin naghihirap. Namamatay sa sakit dahil walang pambili ng gamot o dahil na rin sa sobrang mahal ng mga gamot. Mga batang palaboy, walang tamang edukasyon at nama-malimos lamang sa daan para mabuhay. Nako, nakaka depress. Hanggang ngayon wala pa ring pag babago.

Ayun, dahil tinanong niya ako, pareho lang kaming na imbiyerna sa mga taong namamahala sa ating Bayan.

On a lighter shade, mother’s day na pala. Happy MD sa lahat ng mga ina. At sa mga nagpa-planong maging ina at sa mga matagal na ring umaasa na magiging ina din sila! Ito, bulaklak for the best mothers in the whole world.

7

May

LP CHALLENGE: BULAKLAK

Flowers. Yan ang challenge for this week May 6. Which also happens to be my favorite subject in photography. The first bouquet, i picked along the way from work. Dito kasi sa aming bukid, may mga malalawak na lupain na tinataniman ng mga bulaklak. Tapos kahit sino pwede mamitas dito. Medyo may pagka mahal din kasi komporme sa flower na gusto mong pitasin. Pero madalas wala namang nagba-bantay. Kaya tuwing dumadaan ako ay nakaka discount ako, hehehehe.

The next series, are shoots i took during my wanderings around the area where my roommate’s parents live. Practice-practice lang, hehehe.

Eto, panakot sa mga may allergies. Number one enemy ko ito, pero ewan ko ba. Kahit anong gawin ko, kapag nakikita ko siya talagang nilalapitan ko. Gandang-ganda ako dito eh.

2

April

Wento ko, payo mo-

Noong nakaraang Lingo, tumawag sa kin ang isang kakilalal ko. Nag hihingi ng payo. Natatakot daw kasi siya. Ang isa niyang kasamahan sa trabaho na pinaka close sa kanya ay may ginagawang milagro… sa trabaho at sa labas ng trabaho. Huh???

Sabi ko, “di kita ma-intindihan. Ano bang nangyari?”

“Sis,” pasimula niya. “Nakarinig ka na ba ng istorya na may kokontak sa iyo sa internet para sabihin na nakita nila ang litrato mo at gusto nila itong gamitin para sa isang publicity? Tapos sasabihin nila na siyempre babayaran ka naman nila.”

“Sis, nako, SPAM yan. Huwag kang magpa-padala sa mga kalokohan na iyan” sagot ko naman sa kanya.

“Hindi ako..” dagdag pa niya. “…sis, si kumareng Lukreng. Nabu-buwang na yata. Pumatol sa kalokohan na ito. Nakipag kontak siya sa mga taong ito at ngayon ay pinapadalhan na siya ng mga tseke. Iba’t-ibang halaga nito. Sa bawat napapa-encash niya na tseke, may nakukuha siyang komisyon. Palaki ng palaki ang halaga ng bawat tsekeng natatanggap niya. Wala naman akong problema dito. Kung kailangan niya ng pera buti naman at may napag kukuhanan siya. Ang kaso, pakiramdam ko mali itong ginagawa niya”. Tapos, kung bayad nga ito sa kanya dahil sa ginamit ang litrato niya sa publicity, bakit kailangan niya pang magpadala ng cash üpabalik sa mga taong ito? Hindi ba dapat ang check sa pangalan niya lang at hindi niya na kailangang kumuha ng komisyon dito? Nalilito ako. Hindi naman ako bobo, pero ang sinasabi niya sa akin ay nakaka-bobo. Naturing pa naman siyang may pinag-aralan na tao. Siguro komo kasi alam niyang di man lang ako nakatapos ng pag aaral ko kaya ito, ginagawa niya akong tanga at bobo.”

“Sis…pakiramdam ko sa kuwento mo, pumapasok sa isang money laundering scam yang kasamahan mo. MAg iingat ka langkasi baka pag nakarating yan sa mga awtoridad dito ay madamay ka pa sa gulo. Pabayaan mo nalang siya at huwag ka nalang maki sali pa sa kagagaghan niya” .. siyang payao ko sa kanya.

“Pero hindi lang yan sis”, dagdag pa niya. “Itong si Lukreng ay nagnanakaw sa trabaho niya. May mga kliyente siyang ninanakawan niya ng malalaking halaga. Sabi niya sa grupo nila lahat daw sila gumagawa niya. Ka sab-wat pati ang bisor niya.” Minsan, danaanan ko siya at niyaya ko siya na sabay na kaming mag break. Pero hindi siya mapakali. Meron daw kasi siyang kailangan ilabas sa kaha niya na malaking halaga. At kailangan maalis niya na ito bago pa siya ma audit. Tinalikuran ko nalang siya at nag break nalang akong mag isa.”

My jaw dropped as I listened to this confession from my kakilala. Hindi ko akalain na magagawa ito ng kasamahan niya. Mataas kasi ang tingin nitong si Lukreng sa sarili niya. Komo naka pag aral yata siya ng Abogasya sa Pilipinas. Pero kung totoo man ito, diba dapat mas hindi siya pumapasok sa ganitong klaseng gulo. I expect she know would know better.

Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko dito sa isang kakilala ko. Naawa ako sa kanya kasi nanginginig siya sa takot. HIndi naman pwedeng basta nalang siya pumunta sa pinaka boss nila at mag sumbong doon. Ayaw niya namang kumanta laban sa kabayan niya. Ang payo ko sa kanya ay medyo dumistansiya muna kay Lukreng. Pero, ano nga ba ang dapat niyang gawin?

Sa isip ko at kung susunidn ang prinsipyo, dapat mag sumbong itong si “sis” sa boss nila. Pero siyempre, kawawa naman itong si Lukreng kung mawawalan siya ng trabaho. Ngayon pang ang dami niya ng pina pagawa sa Pinas at bumili pa ng bagong auto.

Kayo, ano sa palagay niyo?

25

March

Protected: Tao lang!

This post is password protected. To view it please enter your password below:


20

March

Minsan May Isang Puta

Ito po ay hinango ko pa sa PEYUPS.COM ilang taon na rin ang nakaraan. Di po talaga ako ang taga UP, ang dalawang kapatid ko po. Pero, nakiki-basa lang ako every now and then sa blog nila. Ang sumulat po nito ay si Mike Portes. Ang galing, galing talaga!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.
Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang
pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang
bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam
kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Halika at makinig ka muna sa kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.
Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko naman
silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit
alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga
rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na
foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw
ako?

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di
ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga
nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi
akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at
Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot
ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase
siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo – may chocolates,
yosi, at ano ka… may datung pa! Nakakabaliw siya, alam
kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako
nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di
lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa
tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan
ko. ‘Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung
inasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na
sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya.
Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala
unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami
ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na
akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga
ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko,
napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na
naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa
utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa
mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin.
Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak
ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa
akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa
piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang
kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na
namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko
para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating
ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng
buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at
sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang
tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na
malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging
kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak
ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng
sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at
pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa
aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko.
Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta
maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang
isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso
ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng
palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak
ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako
balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak.
Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko,
madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman
nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa
rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag
usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa
salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang
ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga
ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta.
Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud
ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang
nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit
sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako
kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa.
Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko
ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung
sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital
ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa
sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni
hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng
mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na.
Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap
usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga
anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban
naman nila ako.

Gusto kong isigaw: “INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”

Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko pala nasabi pangalan ko.

PILIPINAS nga pala pangalan ko.

17

March

Rant, rant, rant

Pag psensiyahan na po ninyo kung mag ra rant muna ako ngayon. Naiinis kasi ako sa kasamahan ko sa trabaho. I should not actually, but I need to let this out of my system. Baka naman kasi malason ang brain cells ko at mag cause ito ng cancer. Napaaga pa ako.

I just hate it when a person leaves a job half-done. When one starts working on something and just leave the whole thing hanging for somebody else to pick up and finish the job.

Sa trabaho ko, meron kasi akong kasama na mas nauna pang pumasok sa akin sa kumpanya. Mas may edad siya sa akin at siyempre dahil dito may respeto ako sa kanya. Ang problema sa kanya, mahina ang loob niya. Mas malala pa, “bintahosa kaayo” siya. Lagi niyang binibilang at pinaki-kialam ang ginagawa ng iba. Pag meron siyang hindi nagustuhan, diretso agad siya sa boss namin at sumbong agad siya. Ang pinaka masaklap pa nito, sa isip niya tama lahat ng ginagawa niya.

Eto, komo nga nagbibilang siya, pag may sinisimulan siyang trabaho, siguro nalalason unti-unti ang isip niya habang ginagawa niya ito, naiisip niya, hindi niya kailangang tapusin ito at dapat iba ang mag tapos para share sa work load. Ang hindi niya naiisip, may iba din namang naka assign na trabaho sa mga kasamahan niya. Eh, sa ka-praningan niya, dead-ma siya dito. Tuloy, naiipon ang trabaho para sa ibang kasamahan niya.

Nung dating ako lang ang gumagawa ng trabaho na ito, lahat natatatapos ko. Wala akong iniiwanang naka nganga na dokumento sa mesa ko. Hindi ko pinababayaang nai-ipon ang pera o dokumento sa opisina namin. Pero, umabot din sa punto na kapag nagba bakasyon ako o kaya ay nagkakasakit, siyempre, natatambakan ako pag balik ko sa trabaho. Kaya pinaki usapan ko ang amo ko na ipasa ang ibang trabaho sa kasamahan ko. Nung una, yung isang kasamahan namin ang gustong i promote ng boss ko. Pero, mas pinresenta ko siyempre ang aking kababayan. Aba, dapat lang noh!? Alangan namang unahin ko pa ang ibang lahi. Sa madaling salita, yung kababayan ko ang tinuruan ko sa lahat ng trabaho.

Nung una, okay pa siya. Pero habang nadadagdagan ang ginagawa, nag re-reklamo na siya. Kesyo ayaw niyang gumawa ng deposits, etc. Sabi ko, dapat ready siya to do them all, mapa-deposits man, or filing kasi pag wala nga ako siya ang gagawa nito.

Hindi siya nag react. Tinanong ko siya kung gusto niya nga ba ang trabaho. Sa palagay ko lang naman kasi, importante yun para hindi siya tamarin gumawa nito. Sabi niya naman oo. So tinuloy namin ang training niya.

Di katagalan, naiiwan na siyang gumagawa nito. Pero di pa rin maiwasan na maya’t maya ang tawag niya sa akin. Okay lang. Walang kaso. Hanggang sa may isa naman siyang tinuruan sa mga trabaho para daw kahati niya sa workload. Ahem? Hello? Andito pa kaya ako!!! Okay lang. Tinanong ko siya kung bakit pa. Andito naman ako. Hindi siya sumagot. Sabi niya, nabanggit daw ng amo namin na hindi ako pwedeng mawala sa opisina kasi may mga ginagawa ako na wala sa kanila ang makagawa. (Tulad ng pagsasaya sa ibabaw ng mesa, hehehe!) Sagot ko sa kanya, “paano naman umabot doon ang usapan niyo? Ibig sabihin may nag reklamo at nag tanong kung bakit nagta trabaho pa rin ako dito sa opisinang ito? Sino naman yun?” Hindi na naman siya ulit kumibo. Maya-maya lang sabi niya hindi niya daw alam. Basta nabanggit lang ng boss namin. Ahemm, este, alangan namang basta nalang i announce ng boss namin yun sa aknila kung walang nag reklamo diba?

Di katagalan, may mga nag re reklamo na sa iba naming kasamahan. Kesyo may “attitude problem daw yung isang kasama namin”. Referring to my kababayan na nga. Sabi ko, explain further. Elaborate on your accusation. Paano mo naman nasabi yun?

“Little things. She acts as if she is the boss, for one. She doesn’t know how to talk to the other colleagues properly. If and when she would talk to us, she is always angry or at least sounding angry. Some valued clients have often complained about her that she does not even smile even when she greets them. Meaning her “hello” doesn’t sound like it is meant as hello since she says it with a frown on (her ugly) face!”. And more small things that aren’t even worth discussing about.

In fairness, I understand what they meant. But I was so busy evaluating how she works (or just leaves the work half done) that I didn’t notice things that never concerned me. I definitely don’t care how the others smile or frown at me when I talk to them. I just continue with what I have to do. But the smile on my part is never forgotten when I talk to customer or talk to my colleagues. Anyway, I replied that unfortunately, we cannot do anything about it. We can probably talk to her about it, but if it will bring any change at all, I am not sure. Without bothering to add that I myself, have already a problem with her regarding the quality of her job. It would just be like putting more log into the fire.

But darn! I am so upset with her already, I can just throw the cash safe to her face. (Kung hindi lang iyon mabigat at kaya kong buhatin nagawa ko na siguro)!

Leche-flan siya!!! Kung gusto niyang ma promote, she has to do her job properly. Ang problema sa iba kasi, they only want the title and priviledges that goes with the promotion. The real job, hindi talaga nila tintatapos. At kung gusto niyang respetuhin siya bilang kanang kamay ng amo namo, matuto din naman sana siyang rumespeto ng iba. I guess, it is just a matter or work ethics.

Dillema ko tuloy ngayon kung paano ko siya ko-komprontahin tungkol dito. I feel that if I do that, she will just go on annoying me by doing just what she is doing now… this time— intentionally. Just to rile me. Ganoon kasi siyang tipo ng tao. Knowing her for several years now, I know for a fact the she would go as low as doing dirty tricks to sabotage someone just to annoy that person or bring that person down. I say this for a fact because I have seen her literally in action exactly doing this to our boss himself.

Question is:  Should I go to the boss about this?

13

March

Sina Renz, Jessa at Rey Valera

Natuloy din po pala akong manood ng konserto nilang tatlo. Kahiya, kasi di ko naman alam na tatlo pala sila at ang mas nakakahiya ay hindi ko kilala sina Renz at lalo na si Jessa. Sabi ng mga nagyaya sa akin ay sikat sina Jessa at Renz. Sabi ko naman ano-ano ba ang mga kanta nilang sumikat? Basta marami daw. “Ahem, nane one please..” Sagot nila ay “too many to mention..” este, slumbook yata ito.

Eniwey, sumama na rin ako. Lam mo na, pagbibigay suporta sa mga kasamahan sa industriya, hehehe.

Sabi sa imbitasyon nila ay magsisimula daw ng alas otso ng gabi ang pagkanta ng mga singer na dumayo pa galing Maynila papunta dito sa Alemanya. Kaya naisip namin ng mga kasamahan ko na alis kami ng bandang 5:30 ng hapon para on time kami. Ayun, sa awa ng Diyos, naka ilang kilometro palang ang tinakbo namin sa haywey, nagsimula nang bumagal ang daloy ng trapiko. Sa madaling salita, nakarating kami ng kinse minutos lagpas alas otso ng gabi sa Köln/Bonn kung saan ang venue. Nasa entablado na si Renz nung nakapasok kami sa Auditorium. Medyo halos dalawang oras din siyang nag trabaho sa entablado. Mahirap kayang mangharana at magpatawa lalo na kung may mga European audience ka. Aba, iba ang sense of humor ng Pinoy. Mahirap ipaliwanag o i translate sa ingles ang jokes natin. Kaya, ayun, pinag pawisan siya ng husto. In fairness, napasaya niya naman ang mga Pinoy. Lalo na yung medyo may edad na. Siguro kapanahunan nila. In fairness, naka survive naman ako sa  ordeal.

Nung natapos na ang time niya or should I say, handa nang lumabas sa entablado si Jessa, siguro nakahinga na siya ng maluwang. Hahaha, wawa naman si Renz. Ang tagal kasing natapos mag handa ni Jessa kaya medyo napahaba tuloy ang trabaho ni Renz.

Unfortunately, at opinyon ko lang din po ito, hindi worth it ang pag hihintay ng madla kay Jessa. Nagpaka prima Donna siya pero hindi naman sulit ang performance niya. Kinanta niya ang ilang kanta galing sa album niya. Tapos mga Shirley Basey classics na ang kinanta niya. Ang malalala nito, pagkatapos ng concert ay nag bigay ang organizer ng ilang minutos para maka pag pa picture ang mga kababayan natin sa entablado kasama sana ang mga artista. Lumabas naman po sina Kuya Rey at Tito Renz, pero si Jessa ang hindi na nagpakita. Ahem, napagod na ba siya kaya? O talagang nagpaka D_I_V_A lang ba talaga??? Hay nako, in fairness, maganda ang gown niya, heheh. Yun lang po ang masasabi ko, bow!”

Mabuti nalang at kasama nila si Ginoong Rey Valera.  ang walang kamatayang mga klassik songs niya ang nagdala sa akin ng saya nung gabing yun.